Jeepney Lifestory
Ang Jeepney. Sa buong buhay ni Ricky, saksi ang Jeepney na pamasada nila. Nabili ng ama niya ang Jeepney na iyon galing sa mga naipong pera nito sa kasal nila ng ina ni Ricky. Nang mga oras na ipapanganak na si Ricky, ang Jeepney ding iyon ang naghatid sa ina nito sa ospital. Lumaking ulila sa ina si Ricky, ngunit ang mga pagkukulang ng isang ina ay pinunan ng mapagmahal niyang ama. Nagisnan ni Ricky ang mundo kasama ang Jeepney na kasa-ksama maging sa pagtungo nito sa paaralan. Ang Jeepney ding iyon ang nagsilbing tagapaghatid kay Ricky sa kolehiyong pinasukan nito sapagkat sakop ng ruta ng ama niya ang pamantasang kanyang pinapasukan. Hanggang sa makapagtapos ng ito sa kursong nursing ay kasama nitong nagdiwang ang Jeepney na nagpasyal sa kaniya sa mundong kanyang ginagalawan. Ipinagmamalaki siya ng kanyang ama sa taglay niyang pagsusumikap sa pag-aaral at ang pagiging mapagkumbaba nito sa kabila ng pagiging Jeepney driver ng kanyang ama. Nang magtapos si Ricky sa pag-aaral sa kursong nursing ay ipinagdiwang ito ng kanyang pamilya. Kasama ang ama at ang buong angkan ay napagpasyahan nilang magtungo sa Baguio. Lingid sa kaalaman ni Ricky na iyon na ang huling byaheng makakapiling niya ang kaniyang pinakamamahal na ama. Lubhang nalungkot si Ricky. Kaya naman napagpasyahan nito na huwag na lanag munang ipagpatuloy ang pag bo-board exam nito.
Pagkalipas ng isang taon ng pangungulila sa ama’y napasyahan na ni Ricky na magpatuloy sa buhay. Naisipan na lamang niya na magpasada tulad ng nakagawian ng ama nito. Kaya’t imbes na magtrabaho sa ospital ay naging Jeepney driver si Ricky. Muling nanumbalik ang saya sa mga pisngi nito sa tuwing maalala niya ang mga masasayang alalaa kasama ang ama habang nakasakay sa Jeepney. Sa araw -araw na pamamasada ni Ricky ay iba’t ibang tao ang kanyang nakikilala. Nararanasan din niya ang mga pagkakataong nadadaya siya ng mga kabataan sa kanyang byahe ngunit dahil sa kabaitang taglay nito ay natutunan niyang intindihin ang mga ito. Dahil ang tunay na rason kung bakit naisipan niyang maging Jeepney driver ay hindi dahil sa perang kikitain niya kundi dahil sa may sentimental na halaga ang jeepning iyon sa buhay niya. At iyon na lamang ang natatanging alaalang iniwan ng kanyang ama sa kanya. Kasakasama nito si Kiko, ang matalik niyang kaibigan mula pagkabata na nagsilbing caller o barker at kasama niya sa tuwing siya’y mamamasada. Saksi din si Kiko sa mga pangyayari sa buhay ng kaibigan nitong si Ricky kaya naman tumayo din itong kapatid sa kaibigan at sa pamamagitan ng pagbibiro nito at pagiging kengkoy ay natutunang muli ni Ricky na ngumiti at tumawa.
Minsan, habang namamasada ay napasakay sa jeep na minamaneho niya ang matagal na ding kakilala na si Maki. Isa din itong graduate ng nursing at isa pa sa mga topnotcher sa board exam. Umupo ito sa front sit malapit sa kanya at doon ay nagkaroon sila ng pag-uusap. Masayang kinamusta ni Ricky si Maki. Ikinagulat naman ni Maki ang hindi pagkuha ni Ricky ng Board Exam gayung isa ito sa mga mahuhusay na mag-aaral sa batch nito. Sandaling natigil ang kanilang pag-uusap ng isang sigaw ang umalingawngaw sa highway kung saan sila naroon. Isang batang lansanagan ang nasagasaan ng rumaragasang sasakyan. Hindi nagtagal at nagsipaglipana na ang mga usisero at usiserang hindi magkamayaw sa pagtingin sa nakahandusay na bata. Sandaling natulala si Ricky. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Kinakausap siya ni Maki upang saklolohan at bigyan ng first aid ang bata ngunit tulala lamang itong si Ricky. Naalala niya ang mga oras na katabi ang ama habang sila’y patungong Baguio. Naalala niya pa ang mga ngiti sa pisngi ng kanyang ama at ang pagmamalaki nito sa naabot niyang tagumpay sa buhay. Nang mahimasmasan si Ricky ay agad nitong tinanggihan ang saklolo ni Maki. Sinabi na lamang niya na paniguradong may dadarating na tulong para sa bata. At nagpatuloy na lamang ito sa pagmamaneho. Ipinagtaka iyon ni Maki at hindi na nito kinuwestyon pa ang naging desisyon ni Ricky. Pag uwi niya sa bahay ay muling naalala ni Ricky yang naging kaganapan sa highway. Maiiyak na lamang ito hawak ang litrato ng ama. Mag-isa na lamang sa buhay si Ricky at tanging pamamasada lamang ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasang malungkot at mawala sa sarili sa tuwing makakatagpo ito ng mga aksidente sa gitna ng pamamasada. Hindi parin niya tuluyang matanggap ang trahedyang naganap sa kanyang nakaraan. Kaya’t ganoon nalamang kung pag-ingatan niya ang Jeepney ng kanyang ama.
BULARAN, Alyssa E.
BBrC 2-3D
COMM 2053 - Intrapersonal / Interpersonal Communication




